Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden raragasa sa mga seeding game

0 241

Pang-MVP pa rin ang kalibre ni Houston Rockets gunner James Harden.

Parang hindi natengga ng higit apat na buwan si Harden, walang kalawang na pinakita sa scrimmage ng Rockets sa NBA bubble sa Orlando.

Pasabog ang The Beard halos triple-double na 31 points, 8 rebounds at 9 assists sa 119-104 win kontra Grizzlies nitong Sabado (Linggo, Manila time).

Sa loob ng 35 minutes, tumira ng 7 of 15 mula sa floor si Harden, 5 for 9 mula sa labas ng arc at 12 of 16 sa stripe.

Kaya lang, napalamutian din ng 7 turnovers ang performance niya.

Sa pinakitang laro, mukhang dodominahin pa rin ni Harden ang seeding games.

Okupado ng Rockets ang sixth spot ng Western Conference sa 40-24 card, kabuhol ang Thunder. Nasa unahan lang nila ang Jazz (41-23). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.