Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harden sumipol ng tripol-dobol

0 299

Bumalik sa Houston si James Harden para maglista ng triple-double at pinasadsad ng Nets ang Rockets 132-114 sa 75th NBA regular season game sa Toyota Center sa Texas Miyerkoles ng gabi.

Pang-13 sunod na talo ng Houston. No. 13 si Harden noon, nabanggit kelan lang ng Rockets na ire-retiro ang kanyang numero.

January nang lumipat sa Brooklyn si Harden at nabuo ang Big 3 nila nina Kevin Durant at Kyrie Irving.

Nagkamada ang dating scoring champion ng 29 points, 10 rebounds at 14 assists para ihatid ang Brooklyn sa franchise-best seventh straight road victory at 24-13 overall, tinulak ang biktima sa 11-23.

“A lot of mixed emotions from the fans but I knew that was going to happen,” ani Harden. “I just wanted to come out here and give them a show.”

Umayuda si Irving ng 24 points, may 19 si Joe Harris at 17 points, 8 rebounds at 7 assists kay Bruce Bowen.

Kinumpleto ni Harden ang pang-walong triple-double niya ngayong season at pangalawang sunod sa linggong ito. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.