Abante Tonite Interactive

Harden-Westbrook 2.0 papasiklab sa H-Town!

336

Tapos maglaro ng 11 season sa Oklahoma City Thunder, binuksan ni Russell Westbrook ang pinto upang makawala sa koponan at nag-request ng trade.

Aprubado na nga ang trade ni triple-double machine Westbrook kapalit ni Houston Rockets point guard Chris Paul.

May natitira pang 4-year $170M deal si 2017 National Basketball Association season MVP Westbrook sa kanyang kontrata sa Thunder habang si Paul ay may higit $123M 3-year deal, kaya kaila­ngan itong samahan ng ilang draft pick ng Rockets.

Magandang pick up ba ito para sa Rockets?

Bukod sa umano’y ‘di magandang samahan nina Paul at James Harden, naging magkakampi na sa OKC sina Westbrook at Harden na ngayon ay mas matured at may experience na sa liga.

Ang tanging tanong, sino ang mag-a-average ng triple-double sa H-Town?
***

Nagpapakita ng interes para sa kanyang pagbabalik si ‘STAT’ Amar’e Stoudemire.

‘Di naman nawala sa kondisyon si STAT lalo na sa kanyang pangangatawan. Nang magretiro noong 2016, ‘di naman ito huminto sa paglalaro, sumabak nga sa isang liga sa Israel tapos nagretiro rin ulit.

Kasalukuyang naglalaro sa BIG3 league si STAT at nagbabalak bumalik sa NBA.

Good pick up din ito kung sa New York Knicks siya babalik dahil godfather ni No. 3 overall pick RJ Barrett ang kanyang pick and roll tandem na si Steve Nash, na maaari niyang maturuan.

***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o balak itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com.

Patuloy ninyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online.
Maraming salamat po!