Abante Tonite Interactive

Harden, Westbrook, Gordon Magpapasabog sa Houston

102

Key Players: James Harden, Russel Westbrook, Gerald Green, Thabo Sefalosha, P.J. Tucker, Clint Capela

Roster: Ryan Anderson, Jaron Blossomgame, Clint Capela, Tyson Chandler, Gary Clark, Michael Frazier, Eric Gordon, Gerald Green, James Harden, Isaiah Hartenstein, Danuel House, Ben McLemore, Maybyner Nene, Austin Rivers, Thabo Sefalosha, Ryamond Spalding, P.J. Tucker,

Key Addition: Russel Westbrook (Trade), Chris Clemons (draft), Shamorie Ponds (draft)

Coach: Mike D’Antoni

Rank: 4th (Western Conference)

Record: 53-29

Playoffs: Western Conference semifinals (4-2) loss vs GSW

LOCK and loaded!

Ito marahil ang depenisyong maibibigay ng mga National Basketball Association fanatic sa ta tambalang James Harden at Russell Westbrook sa houston Rockets.

Parehong Most Valuable Player. Parehong eksplosibong scorer. Parehong exciting na player.

Sa unang pagkakataon magpapares sina Harden at Westbrook sa Houston. Pero nagsama na sila dati sa Oklahoma City Thunder kabilang si former MVP Kevin Durant.

Malaking bagay ang pag–ober da bakod ni Westbrook sa HR kapalit ni Chris Paul.

Ang matindi pa kay Westbrook ay ang pagiging efficient at matinik na ‘multi-dimensional’ guard patunay ang iminarkang stats sa nakaraang season na 22.9 PPG, 11.1 RPG, at 10.7 APG.

Tiyak na ‘di palalampasin ni Westbrook ang tsansang magpakitang gilas sa bagong koponan dahil sa pagiging ‘Mr. Triple-Double.’

Mari-relax at medyo focus na ngayon si Harden bilang shooting guard dahil sa pag-entra ni Westbrook.

Banta rin sa mga kalaban ang three-point king na si Eric Gordon at tigasing defender na si P.J. Tucker.

Swak naman sa starting center si Clint Capela tapos kumalawit ng 16.6 points at 12.7 rebounds per game. (Aivan Episcope)