Abante Tonite Interactive

Harden-Westbrook tandem papatok

385

Tatlong taong magkakampi sa Oklahoma City Thunder sina James Harden at Russell Westbrook, bago lumipat ng Houston Rockets si Harden noong 2012.

Makalipas ang pitong taon, sumunod sa kanya si Westbrook.

Parehong matindi sa scoring ang dalawa, pareho ring naging MVP.

Wala raw nakikitang problema si Harden sa muli nilang pagsasama.

“We welcome him with open arms,” pahayag ni Harden kay Jonathan Feigen ng The Chronicle. “It’s going to work.”

Mas epektibo ang dalawa kung galing sa kamay nila ang bola. Off the ball, maangas din si Harden. Iba si Westbrook.

Baka lang magsapawan sa diskarte, dahil para umiskor ay kaila­ngan nasa kamay nila ang bola.

Makakatulong dito ang chemistry nilang nabuo noon pang mga bata nang maglaro rin sa Boys and Girls Club sa Los Angeles. May mga negatibong komento silang naririnig, pero magagawan naman daw ng paraan.

“That’s my boy right there, since I was like 10 or 11 years old,” dagdag ng The Beard. “Obviously, we were teammates for years. Now, we’re at different stages of our careers. I’m excited for the opportunity.” (VE)