Harden winindang Suns

Wala sina Kevin Durant (hamstring) at Kyrie Irving (lower back), minanduhan ni James Harden ang come-from-behind win ng Brooklyn Nets kontra Phoenix Suns sa 2020-21 NBA regular season game sa Talking Stick Resort Arena sa Arizona Martes ng gabi.
Pinuno ni Harden ang box score ng 38 points na may 7 rebounds at 11 assists pa, nag-ambag ng 22 si Joe Harris at binura ng Nets ang 24-point deficit para hiyain ang Suns 128-124.
Umayuda ng 24 points at bench, kinamada ni Harris ang 14 points niya sa fourth quarter patungo sap ag-angat ng team niya sa 18-12 win-loss record, tinaboy ang karibal sa 17-10.

“It’s the true definition of a team,” ani Harden. “One or two guys go down, next man up.”
Nakakuha ng panalo si coach Steve Nash sa unang balik niya sa Phoenix bilang head coach. Naging two-time MVP noon si Nash bilang playmaker ng Suns, mula nang umalis siya noong 2012 ay hindi na nakabalik sa playoffs ang team.
Hindi umiskor ang Suns mula 2:48 mark. (Vladi Eduarte)