Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hari ng dakdak si Malonzo

0 391

KINORONAHAN bilang kampeon si athletic forward Jamie Malonzo sa kauna-unahang ‘Home Jam: Dunkers Only’ nitong Sabado.

Katunggali ng La Salle star sina UP guard Juan Gomez de Liano, pati na rin ang Japan-bound na si Thirdy Ravena.

Nakakuha ng 59 points si Malonzo para sa kanyang windmill dunk sa third round, dahilan para kunin niya ang panalo.

Samantala, kinulang naman ng isang puntos si Juan GDL para talunin si Malonzo na naka-58 points lang sa kanyang 360 degrees dunk.

Habang may 57 points naman si Thirdy para sa malupit na two-handed reverse slam.

Ang mga tumayong judge ay sina Kobe Paras, na naging FIBA dunk champion, at Gilas star Robert Bolick. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.