Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harlene 1 month dyowa ng anak ni Kuya Germs

0 243

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon ang actress at movie producer na si Harlene Bautista.

Pagkatapos kasing makipaghiwalay sa business partner at dating kasamahan sa That’s Entertainment na si Neil Eugenio, muling umaarangkada ang lovelife nito.

Officially one month na ang kanilang relasyon ng bagong partner na si Federico Moreno na nabuo ang romansa sa panahon ng pandemya.

May mga nang-uurot na incestuous daw ang relationship ng couple dahil anak ng kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Kuya Germs ang kanyang bagong inspirasyon.

Hirit naman ng iba, wala namang masama kung maging dyowa ni Harlene ang MTRCB board member at adopted son ng Master Showman dahil wala naman silang blood relation.

Pareho raw naman silang single dahil hiwalay na si Harlene kay Romnick na may bago nang bebot samantalang si Federico naman ay legally separated na sa asawang si Sheila Magdayao.

Pansin din ng mga netizen, sobrang close raw talaga ni Harlene kay Kuya Germs dahil halos lahat ng nakakarelasyon nito ay taga That’s .

For sure raw, kung nabubuhay si Kuya Germs ay hindi rin ito tututol sa relasyon ng dalawa kung ito ang kanilang ikaliligaya.

Sa development na ito,may nang-iintriga rin kung magiging board member na ba ng Walk of Fame Philippines si Harlene kasabay ng pag-arangkada ng kanyang lovelife.

Leave A Reply

Your email address will not be published.