Abante Tonite Interactive

Harris, Alaska umeskapo sa Meralco

Lakas ng gatas!

By
548

Game 4 Bukas: (Cuneta Astrodome)
6:30 pm – Alaska vs. Meralco

Naitawid ng Alaska ang manipis na 104-102 win kontra Meralco sa back-and-forth Game 3 ng PBA Governors Cup semifinals sa Cuneta Astrodome Huwebes ng gabi.

“My heart was in my throat,” bulalas ni Aces coach Alex Compton pagpasok sa postgame interview, inabot ng 15 seconds bago nakapagsalita.

Palitan sa trangko sa first two quarters, nasa unahan ang Alaska 25-22 pagkatapos ng first, binawi ng Meralco 53-47 sa halftime.

Pagbalik mula sa break, umagwat sa 64-53 ang Meralco pero nakabalik din ang Alaska para sa manipis na 75-74 lead pagkatapos ng 36 minutes.

Sa isang sequence lang, apat na tira ang naimintis ni Chris Banchero, isa pa kay Sonny Thoss bago pumasok ang short stab ni Mike Harris para idikit ang Aces 87-86 5:07 pa sa fourth pero agad sumagasa ng layup sa kabila si Allen Durham para ibalik sa tatlo ang lead ng Bolts.

Itinabla ng 3 ni Simon Enciso ang iskor sa 89, sinundan niya ng isa pang floater 91-89 Aces.

Magkabuhol sa 95, pinaghirapan ipasok ni Harris ang follow through pero may sagot na 3 si Reynel Hugnatan.

Nambarako si Harris para puwersahin ang 100-100 deadlock, mintis si Harris sa 3 pero bumagsak sa kanya ang rebound at nakakuha at nakumpleto ang and-1, 103-100 sa final 16.1 seconds.

Lumapit ang Meralco 103-102 nang atakehin ni Durham ang basket 11 ticks na lang. Sablay ang unang charity ni Harris, pasok ang pa­ngalawa.

Sablay ang drive ni Harris at tatlo pang follow ng Bolts at naubos na ang oras.

Tumapos si Harris ng 31 points, 24 rebounds at 7 assists, may tig-17 sina Banchero at Enciso sa Aces.

Kinapos ang 37 markers, 13 boards at 8 feeds ni Durham sa Meralco. Tumapos ng 19 at 18 sina Hugnatan at Chris Newsome.