Abante Tonite Interactive

Harris kakambyo sa Game 2

By
0 56

Mismong si Mike Harris, ayaw nang pag-usapan ang masagwang second half niya sa 100-84 loss ng Alaska sa Magnolia sa opener ng PBA Governors Cup Finals Miyerkoles ng gabi.

Susubukang bumawi ng Aces sa Game 2 mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsumite ng team-high 20 points at 15 rebounds si Harris, pero hindi halos nakatulong nang malubog ang Aces hanggang 77-56 sa third quarter.

Abante Hiring – IT dep

Nakatatlong puntos lang siya sa buong second half, ang nag-iisang basket ay dumating sa 4:44 mark ng fourth at nang makumpleto ang three-point play ay inilapit ang Alaska 84-74.

“I don’t even wanna talk about it,” natatawa sa sari­ling sambit ni Harris paglabas ng dugout sa MOA Arena. “Tonight wasn’t my night. My guards had it going when they were attacking the paint. But we missed a lot of outside shots. And we missed a lot of free throws.”

Mapaklang 29 of 71 mula sa field ang Aces, 19 of 32 sa stripe. Sa kabila ay 40 of 85 ang shooting ng Hotshots at 12 of 15 sa line. Napuwersa pa ang Alaska sa 25 turnovers na nai-convert ng Magnolia sa 31 points.

“Had we made a few more free throws, who knows, it could have been a different game,” dagdag ng import na nalimitahan sa 15 attempts, 7 dito ang pumasok.