Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harris, Magnolia ililigwak Phoenix

0 158

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
3 pm – Meralco vs SMB
6 pm – Magnolia vs Phoenix

Kakailanganin ng Phoenix Super LPG ang mas maangas na laro mula sa locals para masabayan ang Magnolia sa kanilang PBA Governors Cup quarterfinals duel ngayong Biyernes ng alas-6:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Humabol sa playoffs ang Fuel Masters bilang No. 8 seed matapos kalusin ang NorthPort 101-98 noong Linggo.

No. 1 seed ang Hotshots, topnotcher pagkatapos ng 11-game eliminations.

Isa sa siyam na panalo ng Magnolia ang 103-82 pagmasaker sa Phoenix noong Feb. 19.

SM food to go Banner Ad

Inabot ng calf muscle strain ang pangulit ng Hotshots na si Calvin Abueva apat na araw bago hinarap ang Fuel Masters sa elims.

Nabanggit roon ni coach Chito Victolero na inaasahan nilang makakalaro na ang The Beast sa playoffs.

Sina Ian Sangalang, Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalon ang pang-ayuda ni Victolero kay import Mike Harris.

Aasahan naman ni coach Topex Robinson ng Phoenix sina Matthew Wright, Jason Perkins, RR Garcia, RJ Jazul pang-ayuda kay import Du’Vaughn Maxwell, nag-debut ng 31 points, 13 rebounds, 5 assists kontra Batang Pier.

“Obviously, we respect Magnolia a lot, but we just have to focus on the things we have control of, and that’s how we’re gonna execute,” ani Robinson. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.