Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Harris nambarako: Ginebra bugbog sa Magnolia

0 172

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:00pm — Terrafirma vs San Miguel
6:45pm — TNT vs. Rain or Shine

Massacre ang Christmas Day Manila Clasico sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Nilampaso ng Magnolia ang Ginebra 117-94 sa harap ng crowd na dumagsa sa Big Dome.

Pinangunahan ng 29 points, 15 rebounds ni Mike Harris ang Hotshots na lumayo hanggang 91-60 sa dulo ng third. Lima pa ang umisko double digits, may 20 si Paul Lee at 13 kay Calvin Abueva.

Napigil sa 3-1 ang Gins, hindi naisalba ng 21 points, 12 rebounds ni Justin Brownlee. May 15 points si Arvin Tolentino mula sa apat na 3s.

Sa first game, tinagpas ng Phoenix (3-2) ang 4-0 start ng NLEX sa bisa ng 102-93 panalo sa likod ng 23 points ni Matthew Wright na 6 for 9 sa 3s at season-high 19 points ni Justin Chua.

Inabot pa ng injury si Fuel Masters import Paul Harris, higit 2 minutes lang napakinabangan pero naigapos si KJ McDaniels sa 12 points lang.

May live audience sa Big Dome sa ‘Season of Joy Special’ ng two-day PBA Christmas special ng Dec. 25 at 26 na suportado ni QC Mayor Joy Belmonte at bahagi ng kanyang ‘Pamaskong Handog’.

Namigay ng complimentary tickets ang Office of the Mayor sa kanilang constituents.

“Wala akong maibabalik sa dire-diretsong suport ni Mayor Joy Belmonte kundi malalim na pasasalamat,” parating ni commissioner Willie Marcial. “She gave consent to the opening of the Smart Araneta Coliseum to our dear fans. And now, she’s with us with her support for our Christmas special.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.