Abante Tonite Interactive

Harris ninamnam ang panalo kay Dinwiddie

0 479

Walang larong pinagkakaabalahan si Tobias Harris, kaya hinimay muna ng Philadelphia forward ang 112-104 overtime win ng 76ers kontra kay Spencer Dinwiddie at Brooklyn Nets.

Huling laro nila ‘yun bago sinuspinde ang 74th NBA season.

Hindi papatalo, may reaksiyon agad si Dinwiddie.

“It’s come to my attention that @tobiasharris said they forced me left last night and it led to an L. Although that may be true, I just wanted to post a picture of the actual last time I went left in a live game with fans,” aniya.

Mas mabangis ang sundot ni Dinwiddie dahil nilagyan niya ng pic niyang nasa ere, nakataas ang kanang kamay hawak ang bola at handa nang dumakdak – sa harap ni Harris.

Posterized ng nakaambang hammer ni Dinwiddie si Harris. Dating magkakampi ang dalawa sa Detroit Pistons.

No. 6 sa Eastern Conference ang 76ers sa 39-26, medyo malayo sa likod nila ang No. 7 Nets sa 30-34. (VE)