Abante Tonite Interactive

Haruna, Montalbo, iba pa nagpabibo

266

All-eyes kay top prospect Isaac Go ang mga nagmasid sa unang araw ng 2019 Gatorade Draft Combine, pero may ibang aspirants din na pumukaw ng atensiyon nitong Huwebes.

Una rito si forward Yankie Haruna ng St. Benilde na pinakamataas ang vertical leap na 36 inches.

Sumipot lahat sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong ang 71 aspirants na nagpalista sa Draft.

Si Hubert Cani ng FEU ang pinakamabilis sa lane na naorasan ng 11.28 seconds sa agility.

Nagmarka rin ang 3.44 seconds ni La Salle guard Kib Montalbo sa ¾ court sprint.

Ang ‘di kilalang si Maurice Shaw at si Prince Rivero, parehong nangibabaw sa bench press sa isinumiteng 27 reps.

Sa pangalawang araw kahapon, hinati ang players sa dalawang grupo ng tig-apat na teams at naglaro ng 5-on-5 mini tournament para matasahan ang kanilang court skills. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng 3-point shooting contest.

Bukas, Linggo, huhusgahan ang 71 sa Draft sa Robinsons Place-Manila. (VE)