Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hashtag Nikko kinasal na

0 141

Ikinasal na si Hashtag Nikko Natividad sa kaniyang long-time at non-showbiz partner na si Cielo Eusebio. Ginanap ito sa Club Ananda sa Nasugbu, Batangas nu’ng Linggo, October 31.

Masayang ibinahagi ng mga bisita ang mga litrato at clip sa kani-kanilang social media account kung saan makikitang naging emosyonal ang bagong kasal sa pagbibitaw ng kanilang pangako na mamahalin ang isa’t isa.

Kabilang sa mga dumalo sa kasal ay mga co-Hashtag member ni Nikko na sina Zeus Collins, McCoy de Leon, Ronnie Alonte, Jimboy Martin, Tom Doromal, at Kid Yambao.

Maaalalang inanunsyo ng magkasintahan ang kanilang engagement noong Agosto sa isang vlog. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.