Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hashtag Nikko naihi sa kama

0 176

Hanggang ngayon ay naiihi pa rin si Nikko Natividad sa kaniyang salawal habang tulog.

Sa Instagram post ni Nikko, makikita ang larawan ng kaniyang basang kama.

Aniya, masama raw kasi ang kaniyang napanaginipan kaya ito naihi sa kama.

“Dreams turning into reality. Isang masamang panaginip ang na experience ko kanina,” caption ni Nikko.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kuwento niya, napanaginipan umano nya na makikigamit siya ng cr sa isang security guard, habang umiihi raw ay nagtaka siya bakit tila hindi natatapos ang kaniyang pag-ihi.

Dahil dito, napabalikwas umano siya nang mapagtanto na naihi na lang siya sa kaniyang salawal habang nananaginip.

“Makikiihi daw ako sa security guard sa cr nya, tapos nung umiihi ako nagtataka ako baket hindi natatapos yung ihi ko. At bigla na lang akong nagising. ISA PALANG PANAGINIP ANG KAPU+ngi#@H@n!!!! (sorry @_cielovesyou palit nalang tayo ng sapin),” pahayag ni Nikko. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.