Abante Tonite Interactive

Hasmine, best actress sa Urian!

48

Ang indie actress na si Hasmine Kilip ang nagwaging Best Actress (para sa Pamilya Ordinaryo).

Tulad ni Paolo ay well-deserved ang award ni Hasmine.

Mula sa London kung saan ito nakatira kasama ang dyowa nitong Briton at bagong panganak nilang baby ay nagbigay ng mensahe ng pasasala­mat si Hasmine sa mga Manunuri.

***

KIM K as in Kim Kardashian ang peg ni Paolo Ballesteros nang dumalo sa 40th Gawad Urian.

Si Paolo ang tinanghal na Best Actor (para sa Die Beautiful) sa award-giving body ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Nang tanungin namin kahapon si Pao kung bakit niya napi­ling umapir bilang Kim K sa Urian, ang sagot ng hitad ay, “Para as Paolo Ballesteros as Trisha Echevarria as Kim K, na kapatid ni Allan K!”

So, anong feeling na manalo ng Urian trophy?

“Anlakas maka-Nora Aunor at Vilma Santos!” sagot sa amin ni Paolo, na feeling yata ay Best Actress ang inuwi niyang tropeo at hindi Best Actor.

Nu’ng awards night ay benta ang pagpapa­kyut ni Pao kay John Lloyd Cruz na nasa stage bilang presentor.

“Oh my God! Ang guwapo ni John Lloyd!” tili ng Eat Bulaga co-host, na pinuntahan pa si Lloydie para yakapin.

After ng speech niya ay niyakap siya ni JLC.

***

Deserving din ang nagwaging Best Supporting Actor na si Christian Bables (para sa Die Beautiful).

Big winner ang indie film na Women of the Weeping River na napiling Best Picture, at Best Director ang nagdirehe nitong si Sheron Dayoc.

In fairness sa mga Manunuri, kahit sa Cinema One ang telecast at nag-produce ng Urian awards night, hindi nila ipinapanalong Best Actress si Charo Santos at Best Picture ang pelikula nitong Ang Babaeng Humayo na produced ng Cinema One.

At nagsidalo sa gabi ng parangal hindi lang ang winners kundi ma­ging ang mga nominado, tulad nina Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, Ai Ai delas Alas at Cherry Pie Picache.