Abante Tonite Interactive

Hasmine, nagsisimba na BACKLESS

149

KEBS lang ang Cine­malaya 2016 Best Actress na si Hasmine Killip sa mga hindi nagkagusto sa revealing gown niya sa Veni-ce film festival.

Waist-high ang magkabilang slit sa white dress ni Hasmine kaya ang dating ay halos makita na ang kaluluwa niya sa suot niya.

Sey ng baguhang aktres, laging may naiisip na nega ang ibang mga Pinoy. Ang importante ay alam niyang walang masama sa sinuot niya.

“Basta ako, iwawagayway ko lang ang bandila ng Pilipinas kahit saan ako pumunta. This is me. This is how I love my dress.

“I feel comfortable! Ha! Ha! Ha!” tawa ng lead actress ng Pamilya Ordinaryo.

Sabi sa amin ng nakabalik na ng London na si Hasmine, kahit nu’ng bata pa siya ay nagsisimba siya na backless ang suot niya.

Kaya komportable siya sa mga sexy dress.

Dahil sa kabogerang outfit niya sa Venezia ay may gumawa ng meme na ‘Like Mother, Like Daughter!’ at pinagtabi ang photos nila ni Ma. Isabel Lopez na nangabog sa red carpet sa Cannes 2016.

Dayalog ng 21-anyos na showbiz newbie, nangako siyang hindi siya magpapatalo kaya ganu’n ang sinuot niya.

Aniya, kabogera ang nanay niya (si Ma. Isabel ang gumanap na madir niya sa Pamilya Ordinaryo) kaya dapat ay kabogera rin ang anak.

Itsurang wala namang red carpet sa Venice Days section ng Venice filmfest ay nag-effort um-outfit at um-aura ang Hasmine.

Hirit niya, humangin man o hindi ay tuloy ang rampa niya. “Rampa Pilipinas! Rampa babaita!” ang tili niya.

In fairness ay mukha lang siyang hubad, pero may nude body stocking na panloob na nakakabit sa nasabing gown na gawa ni John Herrera para hindi makitaan ng boobey at pukersha si Hasmine.

Ang The War Show ng Syria ang nanalong Best Film sa 13th edition ng Venice Days, pero ginawaran ng BNL People’s Choice Award ang Pamil-ya Ordinaryo na dinirek ni Eduardo Roy, Jr.

Nakuha nito ang mahigit 70% ng audience votes kaya binigyan sila ng special award, na ang plake ay tinanggap ni Direk Edong kasama ang mga bidang sina Hasmine at Ronwaldo Martin.

Kuwento sa amin ng producer nilang si Ferdy Lapuz, mula sa premiere screening ng Pamilya Ordinaryo ay dumiretso sila sa awards night at parang sila na ang huling binigyan ng award.

So, kung wagi ng grand award na Golden Lion ang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz sa main competition, meron ding naiuwi ang ‘Pinas sa autonomous section dahil sa Pamilya Ordinaryo.

Si Coco Martin ay nag-post sa Instagram ng pic ni Ron na hawak nito ang plake at ang sabi ni Coco, “Sobrang proud ako sa ‘yo, Tol at sa lahat ng bumubuo ng Pamilya Ordinaryo.

“Congrats, Direk Edong. Pinabilib mo po ako sa ‘yong pelikula. Iba talaga ang Pinoy!”

Nakakatuwa na ang dalawang baguhang artista na ang papel sa pelikula ay mga magnanakaw na nakatira lang sa kalye ay nakarating ng Venezia sa Italya dahil sa kanilang critically-acclaimed movie.

Si Hasmine ay na-enjoy ang Venice dahil nakapag-beach pa sila ng British husband niyang si Anthony Killip sa Lido Beach.

Na-miss lang niya ang kanin dahil puro pasta ang kinain niya sa Italy.