Abante Tonite Interactive

Hasmine, ni-request sa Hanoi filmfest

By
Ron at Hasmine
4

SI Hasmine Kilip daw ang inaasahang darating sa Hanoi International Film Festival dahil kasali sa main competition ang pelikulang Pamilya Ordinaryo na pinagbibidahan nila ni Ronwaldo Martin.

Siya ang ni-request ng festival committee pero mukhang hindi ito pupuwede dahil nalayuan ito.

Nakabase sa London si Hasmine, at walang balak itong magbiyahe nang ganu’n kalayo. Kaya baka sina Ronwaldo at Direk Eduardo Roy Jr. ang dumalo.

Inaasahang mamamayagpag ang Pamilya Ordinaryo sa naturang international filmfest pero ang mas inaaba­ngan namin ay ang partisipasyon ni Iza Calzado bilang isa sa mga hurado.

Malaking karangalan ito kay Iza sa pagtitiwala sa kanyang mag-judge sa isang international filmfest.