Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hataman ayaw alok ng MPBL

0 249

No thanks!

Ito ang sagot ng kampo ng Basilan Steel sa alok na bayaran ng MPBL at Chooks-To-Go ang ilang bahagi ng P.5M na ginastos sa Subic Bay Gym bubble nitong Linggo.

Sa post ng Steel sa FB page, kahit natuwa’y lantarang tinanggihan ni Mayor LGU representative Julz Hataman ang tila `peace offering’ ng liga sa pagkaligwak sa conference finals ng team.

“Although we greatly value this gesture, this does not fix the big blunder by the MPBL committee. Thus we politely and humbly decline the offer of the most respectable gentleman,” anang opisyal.

Imbes na pera, hinirit ng kampo ng Basilan na patalsikin ang ilang mga committee member ng liga dahil sa kapabayaan sa kanila.

“We demand full accountability from all the officials and demand their resignation to save whatever is left with the credibility of the league. What is more disturbing is it even took someone that is out of the league to take some action,” panapos ni Hataman. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.