Abante Tonite Interactive

‘Hatawan’ round 3 mamaya — Ligon

254

Nasa third round na ang “Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” na nag-iisang pasabong sa Metro Manila ngayong Huwebes, June 20 sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Umabot na sa 13 entries ang mga nakapasok sa grand finals sa darating na Aug. 8 tapos magsiiskor ng tigatlong panalo sa gayang daming salang.

Nitong Huwebes, pumagpag ng barahang 3-0 panalo-talo ang IS Pabuho, Talisay Warriors, Zoe and Scarlet, Red Bull Stradle 8, Red Bull Gamefarms, Buboy and Ric at Miguel JCO.

Bandang alas-4 ang umpisa ng 3-cock elims mamaya, ani Roligon CEO Dennis Ligon, hinirit na hati-hati sa P100,000 ang mga makaka-three pointer na sabungero.

Puwede pang sumali sa June 27; July 4, 11, 18 at 25 tungo sa 2-cock finals sa Aug. 1 na mga makaka-1, 1.5, 2 at 2.5 points at may premyong P400,000 sa makaka-2 pts. sa grupo habang sa Aug. 8 sa hanay ng 3 pointers at straight five cocks.

“A guaranteed prize of P5M is at stake for an entry fee of P11,000 and minimum bet of P5,500. The champion handler gets P100,000 and gaffer, P70,000,” wakas ni Ligon. (Enjel Manato)