Abante Tonite Interactive

Hatawan sa tag-ulan daragsain — Capitan

0 260

Inaasahan ang libo-libong sabong fans sa “Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby”, ang nag-iisang bigtime cockfest sa Metro Manila ngayong Huwebes, July 11 sa 10,000-seat, air-conditioned Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

“It’s the last chance to witness two or three year old cocks before the start of early bird stag derbies like BNTV or LBC Cups in a few days time,” sambit nitong Miyerkoles ni Tiling Capitan ng RMC.

Bandang alas-4:00 ng hapon ang umpisa ng 3-cock elims. Hahatiin ang P100,000 day prize sa mga iiskor ng tatlong panalo at dalawang panalo na lang ang kailangan para sa kampeonato bukod pa sa tsansa sa insurance bet.

“Please join the remaining elims on July 18 and 25.The gua­ranteed prize will be given to the winners as earlier announced,” wika naman ni RMC CEO Dennis Ligon.

Ang 2-cock finals ay Aug. 1 (1, 1.5, 2 at 2.5 points/P400,000 sa 2 points) at Aug. 8 (three points at straight five cocks).

Garantisado ang P5M sa entry fee na P11,000 at minimum bet na 5,500.Ang champion handler ay may P100,000 at gaffer ay P70,000. (Enjel Manato)