Abante Tonite Interactive

Hatawan sa Tag-ulan: Ligon naglaan ng ₱5M

333

Suwabe ang simula ng ‘Hatawan sa Tag-ulan 5-Cock Derby’ sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque ngayong Huwebes dahil sa nakalinyang 100 sultada at may P5 milyong papremyo.

Maagang sisimulan ang 3-cock elims at ang lahat ng mga iiskor ng tatlong panalo ay partihan agad sa P100,000 day prize.

Mababang P11,000 entry fee at P5,500 minimum bet lang ang ipapatupad sa pasabong na ito ni RMC CEO Dennis Ligon.

Abante Hiring – IT dep

May bonus din na P100,000 day prize (hati-hati) para sa three pointers sa 3-cock elims sa June 13, 20 at 27; at sa July 4, 11, 18 at 25.

Sisiyapol ang 2-cock finals sa Aug. 1 para sa mga makaka-1, 1.5, 2 at 2.5 points na may gantimpalang P400,000 sa 2 pointers at sa Aug. 8 sa mga makaka-3 pts.

Ang champion handler ay may P100,000 at sa gaffer ay P70,000. May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird.

Tawagan lamang ang RMC office o sinuman kina Shirley at Capitan Tiling sa 519-7345, 0920-9509090, at 0926-7134069 para sa iba pang mga detalye. (Enjel Manato)