Abante Tonite Interactive

Hatawan sa Tag-Ulan: May 80 sultada — DL

313

Tuloy ang pag-asinta sa P5M guaranteed prize sa ikalawang araw ng “Hatawan sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque ngayong Huwebes, Hunyo 13 tampok ang 80 sultada.

Bandang 4pm ang umpisa ng 3-cock elims at lahat ng iiskor ng tatlong panalo ay pagpapartehan agad ang P100,000 day prize. Nitong Huwebes, lima ang naghati sa P100,000 tapos magsi-iskor ng tigatlong mga panalo.

May mababang P11,000 entry fee at P5,500 minimum bet lang sa pasabong na ito ni RMC CEO Dennis Ligon. May bonus din na P100,000 day prize (hati-hati) para sa three pointers sa 3-cock elims sa Hunyo 20 at 27; at sa Hulyo 4, 11, 18 at 25.

Ang 2-cock finals ay sa Agosto 1 para sa maka-1, 1.5, 2 at 2.5 points na may premyong P400,000 sa 2 pointers, at sa Agosto 8 sa makaka-3 pts. May P100,000 ang champion handler at P70,000 sa gaffer.

May trophy ang bawat kampeon mula sa sponsors Salto Gamefowl Feeds at Thunderbird. Tawagan ang RMC o sinuman kina Shirley o Capitan Tiling sa 519-7345, 0920-950 9090, at 0926-713 4069 para sa iba pang mga impormasyon. (Enjel Manato)