Abante Tonite Interactive

Hatawan sa Tag-ulan ngayon, Hulyo 25 sa Roligon – Ligon

267

Huling dalawang round ng “Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” ang ikakasa sa Roligon Mega Cockpit ngayon at sa July 25.

Tulad sa nakaraang 3-cock elims, lahat ng three pointers mamaya ay babahagi sa P100,000 day prize.

Ayon kay RMC CEO Dennis Ligon nitong Miyerkoles, puwede pang sumali sa July 25 last 3-cock elims o magpasok ng straight five cocks sa Aug. 8 grand finals.

Ang entry fee sa straight five cocks ay P11,000 at ang minimum bet ay P5,500.

Hahatiin ang P5M papremyo sa mga mananalo habang magsusubi ng P100,000 ang champion handler at P70,000 sa champion gaffer.

Ang 2-cock finals sa Aug. 1 ay para sa 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may P400,000 gantimpala sa 2 points, at sa Aug. 8 para sa three points at straight five cocks. (Enjel Manato)