Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hate crime sa US isumbong para matuldukan – Ping

0 63

Sinuportahan ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang panawagan na dagdagan ang presensiya ng mga pulis para mapigilan ang insidente ng anti-Asian hate crime sa Estados Unidos.

Ito’y kasunod ng panibagong insidente kung saan isang Filipina consular officer ang na-verbal assault sa New York.

Sinang-ayunan ni Lacson ang panawagan ni Consul General Elmer Cato na dapat dagdagan ang presensiya ng pulis sa mga subway. Kailangan ding i-report ng mga Pinoy ang hate crime sa konsulada o sa pamamagitan ng 911 kung sila ay nakasaksi o naging biktima nito.

Batay sa ulat ni Cato, nasa 14 na insidente na ng hate crime ang nangyari sa Filipino community sa Amerika ngayong taon.

“This is disturbing and has to stop,” sabi ni Lacson, chairman ng Committee on Foreign Affairs sa Commission on Appointments.

Dagdag pa ng senador, hindi dapat binibigyan ng puwang ang hate crime at racism sa anumang lugar at makatutulong ang Filipino community na malunasan ito kung isusuplong sa mga awtoridad ang mga ganitong insidente.

“This solution should be adopted by all Filipino communities abroad, not just in the US,” sabi pa ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.