Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hatian ng cash aid sa NCR tapos na

0 63

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakumpleto na ng pamahalaan ang distribusyon ng ayuda para sa mga low income resident sa National Capital Region (NCR) na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) noong Agosto 6 hanggang 20.

Sa ulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte, nasa kabuuang 11,226,946 katao sa NCR ang nakinabang sa ayuda.

Ayon kay Año, gumastos ang pamahalaan ng P11.226 bilyon sa Metro Manila para sa programa na mayroong budget na P11.256 bilyon.

Samantala, bukod sa Metro Manila, makikinabang din sa pondo ang Laguna at Bataan na isinailalim rin sa ECQ ng pamahalaan noong Agosto.

Nabatid na sa Laguna umaabot na sa 87.02% ang distribution rate o kumakatawan sa 2.362 milyong benepisyaryo habang sa Bataan ay mayroon nang 61.73% distribution rate, na kumakatawan naman sa 431,054 katao. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.