Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Hatid Tulong’ sa mga LSI lagyan sistema – VP Leni

0 256

Hindi makapaniwala si Vice President Leni Robredo sa pagkumpol ng libo-libong locally stranded individual (LSI) sa Rizal Memorial Sports Stadium simula pa noong Biyernes sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

“Are these pictures real? If they are, shame on us,” ayon kay Robredo sa kanyang Facebook post.

Ang mga taong tinipon sa Rizal Stadium ay parte ng `Hatid Tulong’ Program kung saan pauuwiin ang mga ito sa kani-kanilang probinsya sa Visayas at Mindanao.

Giit pa ni Robredo sa ‘BISErbisyong Leni’, dapat ay nagkaroon na ng plano ang gobyerno para sa pagpapauwi ng mga LSI.

“Nakailang linggo na tayong nagdi-discuss nito, na parati nating hinihingi na pagbibigay pa lang ng temporary shelters sa mga LSI, dapat organisado na. Ngayon kasi, halo-halo, walang sistema,” saad ni Robredo.

Aniya pa, dapat ay nagkaroon ng schedule sa pagpapauwi ng mga na-stranded para maiwasan ang kumpulan ng tao lalo pa’t bawal ang mass gathering dahil sa pandemya.

“I am all for helping locally stranded passengers per home to their destinations. But let us do it right please,” ani Robredo.

Maging ang mga netizen hindi napigilang ihayag ang mga negatibong reaksyon sa kumalat na mga litrato sa social media ng mga LSI sa Rizal Stadium.

@wengsalvacion: “That situation in Rizal Memorial Sport Complex is scary. Like…i can almost hear it ticking.”

Ang singer na si MEDS (@MedwinTruefaith) ay dismayado rin sa panganib sa mga sundalo na kabilang sa brass band na tumugtog para sa mga LSI.

“Yung mga saxophonists, trumpeteers and other wind instrumentalists higop na higop ang hangin sa venue. Yep, delikado,” sabi ng miyembro ng Truefaith.(Raymark Patriarca/Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.