Abante Tonite Interactive

Hatol kay Imelda inakyat sa SC

307

Nag-abiso na si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa Sandiganbahan para sa plano nitong tulu­yan nang iakyat sa Supreme Court ang naging hatol kaugnay sa kanyang pitong graft cases.

Magugunitang sa ibinabang desisyon ng anti-graft court, napatunayang guilty si Marcos sa pitong graft cases nito na may kinalaman sa umano’y financial interests nito noong panahong siya ay nagsisilbing Metro Manila governor.

Dahil dito, pinatawan ito ng minimum na anim na taon at isang buwang pagkakulong hanggang maximum prison sentence na 11 taon para sa bawat count ng graft. Bukod dito pa rito ang habambuhay na diskuwalipikadong humawak ng public office.

Sa notice of appeal na inihain ni Atty. Manuel Lazaro, abogado ni Marcos, hiniling nito sa korte na isumite sa Supreme Court ang rekord ng kaso.

“Wherefore, accused Imelda Marcos hereby files this notice of appeal and requests that the records of the case be forwarded to the Supreme Court for further proceedings,” ayon sa inihaing notice of appeal.