Abante Tonite Interactive

Hatol ng IOC, PCRTC parehas

By
2,966

Tanggap ni Philippine Olympic Committee president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. ang pagkapareho ng desisyon ng Pasig City Regional Trial Court at International Olympic Committee para magpa-reeleksiyon sa presidente’t tagapangulo ng POC  sa Pebrero 23.

Pero giniit niya na wala pa ring hurisdiksiyon ang mga korte sa bansa kahit na ipinag-utos ng IOC na ituloy ang panawagan ng mayoryang national sports association ng isang “special general assembly” sa Peb. 19 tungo sa halalan pagkaraan.

Inakala ng ilan na kinampihan ni IOC relations deputy director general Pere Miro ng Spain ang PCRTC noong Biyernes sa pag-atas kay Cojuangco na magpa-extraerodinary POC GA kasunod ang eleksyon sa bagong POC president at chairman.

Ani Cojuangco, nirerespeto ng IOC ang batas sa Pilipinas, at ang National Olympic Committee ay may sarili pa ring autonomiya base sa Rule 27.6 ng IOC charter.

Mabibilang ang nalalagas na mga alipores ni Cojuangco

 sa parating na meeting sa Wack-Wack Golf and Country Club, Mandaluyong City na para sa marami’y hudyat na sa katapusan nang pagkapit niya ng 14 na taon sa POC.(Lito Oredo)