Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hatton binalaan si Spence: ‘Wag ismolin si Pacquiao

0 414

Binantaan ni retired British boxer Richard John ‘Ricky’ Hatton si World Boxing Council at International Boxing Federation welterweight king American Errol Spence Jr. na makakalaban ni eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa August 21 sa Las Vegas, Navada.

Sa kanyang kolum sa pahayagang Metro sa England, nilahad ni Hatton na kilala ring ‘Hitman’ na hindi dapat maliitin ni Spence si Pacquiao kahit pa 42-anyos na ang senador.

“Traditionally boxers don’t know when to call it a day. They don’t know when to pick the right time to hang their gloves up but you would like to think he is clever enough to do that and the fact that he is accepting this fight only means he must feel he is still capable of mixing it up at that level,” saadi ni Hatton, 42, sa kanyang artikulo.

SM food to go Banner Ad

“You would think that the reflexes might be starting to go a bit on Manny Pacquiao. But every now and again you get the odd freak. Bernard Hopkins went onto become a world champion at 48!,” hirit pa ni Hatton.

Alam niya ang karakas ng Pinoy ring icon dahil dalawang round lang ang tinagal niya nang patulugin ng Pambansang Kamao sa kanilang pagtutuos noong 2009. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.