Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hawaan ng coronavirus sa QC bumaba

0 238

Bahagya nang bumababa ang nahahawaan ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa Quezon City, ayon sa OCTA Research Group batay sa datos umano ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Ang reproduction number umano ng COVID-19 sa Quezon City ay 1.20 kung saan bahagya pang bumaba mula sa nakaraang linggo.

Ipinapakita umano ng numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa COVID-19 bago ideklara ang enhanced community quarantine noong Marso sa NCR Plus.

Bumaba naman ang positivity rate ng lungsod sa 19% subalit mas mataas pa rin umano ito sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) na 5%. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.