Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hawak ng Diyos ang ating buhay sa Kanyang kamay!

0 184

Ang Kapistahan ng Sto. Niño ay isa sa pinaka-popular na selebrasyon ng Simbahan sa Pilipinas. Kasabay ng pagdating ng imahen ng Banal na Sanggol ang simula ng Kristiyanismo sa bansa, na ngayong taon ay ika-500 taon na!

Dahil sa lalim ng debosyon at pagmamahal ng mga Pilipino sa Sto. Niño sa buong bansa, ipinahintulot ng Vatican ang pagdiriwang ng natatanging Pista ni Hesus, Ang Banal na Sanggol sa kapuluan tuwing Ikatlong Linggo ng Enero.

Saad ng Simbahan: “The birth of the Catholic Fatih among the Filipinos came by way of the Sto. Niño.” Matatandaan, handog ni Ferdinand Magellan kay Rajah Humabon ang orihinal na imahen na matatagpuan sa Cebu.

Dahil sa ang Sto. Niño ay may mahalagang papel at kaugnayan sa pagdating ng pananampalatayang Kristiyanismo sa ating bansa, espeyal ang seleberasyon ng Kanyang Pista ngayong 2021, ang Ika-500 Taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

Turo ng Simbahan, ang Sto. Niño ay nagpapahayag sa atin na si Hesus ay naging isang bata- nagtakatawang tao ang Pangingoon nating Hari at Tagapagligtas upang himukin tayo sa pagpapakumbaba at pagtitiwala; nawak Niya ang ating buhay sa Kanyang kamay!

Giit ng Iglesya, “The Holy Child holds our lives, and the history of our country in his hands, which though little, are the hands of the Son of God. That is why we must never loose hope no matter what happens, and strive to work to make things better because we are in the hands of God!”

Narito ang bilin ng Simbahan sa tanan para sa makabuluhang pagdiriwang ngayong Linggo: “Let us remain humble as we thank God for the gift of faith, looking forward to our next five hundred years and beyond. The Sto. Niño, Jesus’ own visual aid, reminds us the authentic path to greatness in the Kingdom of Heaven.”

Sa ginta ng pandemya, nanatiling paalala ang Sto. Niño na hawak ng Diyos ang ating buhay, hindi Niya tayo pababayaan! “As disciples of the Lord, we want to hold these two truths together. We want to proclaim that Jesus is truly God. He is all-powerful and holds the turn of events in the palm of his hands!” paalala ng Simbahan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.