Abante Tonite Interactive

Hay Naku! Onyok kinurot ang puso ni Coco

0 842

Simple pero punom-puno ng pagmamalasakit at pagmamahal ang sinulat ng child star na si Xymon ‘Onyok’ Pineda kay Coco Martin.

Nag-post siya ng larawan na hawak ang sulat niya kay Coco. May caption ito na

“Kuya Coco, maraming salamat po sa pag-aalaga n’yo sa ‘kin sa taping sa ‘Ang Probinsyano.’ Mas marami po kaming nagmamahal at sumusuporta sa ‘yo. May ginawa po akong sulat para sa ‘yo. Sana po mabasa mo po. God bless you always.”

Nag-like naman si Coco sa post ni Onyok na kasama niya sa

FPJ’s Ang Probinsyano. Matatandaang nagmarka kay Onyok ang linya niyang “Hay naku!” sa serye

Eto laman ng kanyang sulat at mensahe na may kurot sa puso : “Unang una po sa lahat nagpapasalamat ako kay Jesus dahil ginamit ka po niyang instrumento para makasama po ako sa ‘Ang Probinsyano.’ At nagpapasalamat po ako sa iyo Kuya Cardo dahil hindi lang po artista ang turing mo sa akin, kung hindi parang tunay na anak mo na po ako.

“Naalala ko pa po tuwing birthday ko po ay binibigyan niyo po ako ng regalo. Pati na rin po pag-Pasko. Tapos lagi niyo po akong sinasama sa tent niyo po. Tapos kapag magkakasama po tayo sa van kapag baklas na po.

“Seryoso po, maraming salamat po sa lahat ng naitulong niyo po sa akin at sa pamilya ko po.

“‘Wag ka na pong malungkot, Kuya Coco. Mas marami po kaming nagmamahal at sumusuporta sa ‘yo. I love you, Kuya Coco! God bless — Xymon.”

Nag-comment naman ang mga netizen na nami-miss na nila si Onyok na mapanood ulit at matagal nang wala sa show. Pinupuri rin siya sa ipinakita niyang gratitude kay Coco .

Talbog!

Tonite – Wendys Inhouse Ad