Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hayahay ang tauhan, station commander sinibak

0 359

Sinibak sa kanyang posisyon ni Manila Police District Director PBGen. Leo Francisco ang station commander ng MPD-Police Station 9 dahil sa mga “malatubang” nito matapos ang sorpresang inspeksiyon sa presinto noong Sabado sa Malate, Maynila.

Kaagad namang inutos ni Francisco na mag-report ang lahat ng personnel ng PS 9 para mabilang kung ilan ang pumasok at naka-assign sa lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nadismaya si Francisco dahil alas-12:30 ng madaling araw ay 7 pa ang nawawala kung saan 5 ang otorisadong absent at ang 2 ay kinabukasan pa nakapag-report.

“Pinag aaralan namin kung ano maikakaso sa kanya kasi he failed to follow guidelines and supervised station 9. Sabi ko 85% nasa labas at 15% nasa admin works,” ayon sa opisyal.

Ipinalit ni Francisco kay Lt. Col Robert Sales si PLt. Col Cristito Acohon, na dating nakatalaga sa MPD-PS4 sa Sampaloc, bilang deputy chief ng MPD-intelligence division. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.