Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Haybol inararo ng trak; 2 patay, 3 sugatan

0 69

DALAWA ang patay habang tatlo ang sugatan nang araruhin ng 10-wheeler ang isang sugarcane hanggang sa tumama sa bahay ng mga biktima sa Negros Occidental.

Sa report, nangyari ito ng ala-una ng madaling araw ng Biyernes, Enero 14, 2022.

Kinilala ang namatay na si Ermie Cordero, 58, at kanyang anak na si JR, 30.

Ang isa pang 12-anyos na anak na babae ay sugatan naman, ayon kay Pontevedra Municipal Police Station deputy chief Lieutenant Rowell Peniero.

Sinabi ni Peniero na si JR ay agad na namatay habang si Ermie ay napatay habang nilalapatan ng lunas.

Kinilala naman ang driver ng truck na si Henry Salgado, 46, taga-Barangay Bi-ao sa Binalbagan na sugatan rin. Napag-alaman na nang mangyari ang sakuna ay kasama niya ang kanyang 8-anyos na anak, na nasugatan din at dinala sa La Carlota City.

Sinabi sa imbestigasyon na tumama sa railings ang trak pagdating sa Purok Santan at Amorabita bago tumama sa bahay ng pamilya-Cordero.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at damage to properties ang kakaharapin ng suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.