Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Haybol sa Recto, nilamon ng apoy

0 44

Isang sunog ang sumiklab sa residential area sa kahabaan ng Recto Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid sa Bureau of Fire and Protection (BFP), umabot sa unang alarma ang sunog nitong Martes, Mayo 10 bandang alas-4:35 ng madaling araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umabot pa ito sa ikatlong alarma dakong alas-5:08 ng madaling araw at idineklara itong fireout alas-6:56 ng madaling araw.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam pa ngayon ang halaga ng mga napinsala at pinagmulan ng sunog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.