Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hayward balik Celtics na

0 72

Nagbalik na si injured Boston Celtics forward Gordon Hayward sa NBA bubble sa Orlando nitong Linggo (Lunes, Manila time), pero ‘di pa nakaka-recover sa nanakit na kanang bukung-bukong kaya malabo pang makalaro.

Ipinahayag ni coach Brad Stevens nitong Sabado na hindi pa makakasalang sa lalong madaling panahon ang 30-year-old player na nagtamo ng Grade III sprain sa ankle nitong August 17 habang bina-box out si Joel Embiid nang bambuhin ng Boston ang Philadephia 76ers sa opener ng 74th NBA Eastern Conference race-to-four first round series series, 109-101.

Lumandag si Hayward sa rebound play at pagbagsak lumapag ang paa sa katropang si Daniel Theis. Doo’y inaasahang may isang buwan siyang mawawala. Sa balik-Orlando, sasailalim muna siya sa apat na araw sa quarantine.

Tabla sa 2-2 ang Boston at defending champion Toronto Raptors sa Eastern semifinals. Game 5 ngayon. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.