Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hayward tipo ng Hawks

0 117

Nililigawan ng Atlanta Hawks si Boston Celtics forward Gordon Hayward, ayon sa ulat ni Chris Haynes ng Yahoo Sports.

Paliwanag ni Haynes, sa sign-and-trade idadaan ang acquisition.

Isasahog si All-Star Gordon kay Trae Young, at kung matuloy ay dadagitin rin umano ng Hawks si veteran point guard Rajon Rondo na balitang tatanggihan ang $2.7M player option sa Lakers para maging unrestricted free agent.

May player option si Hayward, 30, na nagkakahalaga ng $34.2M para sa 2020-21 season.

Nag-average ang 6-foot-7 small forward ng 17.5 points mula 38% 3-point shooting at 6.7 rebounds noong nakaraang season.

Sa 10 seasons sa liga, pitong taon sa Utah Jazz si Hayward bago nalipat sa Boston. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.