Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hazard lights gamitin sa lugar

0 342

Maraming mga motorista ang gumagamit ng hazards lights na parang trip-trip lang.

May mga gumagamit nito upang makaiwas sa huli kapag beating the right o kaya naman ay nagmamadali at gustong mag-ala ahas ang takbo sa kalye lalo na kapag matrapik.

And take note, hindi lamang mga ordinaryong motorista ang gumagamit nito para makaiwas sa trapik kundi maging ang mga VIP gaya ng politiko at mga malalakas sa palasyo.

Pero alam niyo ba kung kailan lamang dapat ginagamit ang hazards lights
.
Kung ako ang tatanungin, gagamitin mo lamang ito pag nakatigil ka sa alanganing lugar, may hinihintay, naflatan ng goma o kaya ay nasiraan.

Pero base sa paliwanag ng mga namamahala ng mga tollways sa Luzon, mas malawak pa sa aking nabanggit ang mga gamit ng hazard lights.

Ayon sa kanila, ang hazards lights ay ginagamit upang magbigay babala sa mga motoristang nasa inyong harapan o likuran kung sakaling magkaproblema ang inyong sasakyan. Ginagamit din ito ng mga mga emergency vehicle tulad ng ambulansiya, police car, firetruck at mga sasakyang may mga dagliang rerespondehan.

At ngayong panahon ng tag-ulan ay may paalala ang mga awtoridad sa paggamit ng hazard lights.

Pinapayuhan nila ang mga motorista na lalong iwasan ang paggamit ng hazard lights sa mga ganitong panahon. Ang dapat na naka-on kapag malakas ang buhos ng ulan ay ang headlights o foglights at siguraduhing ding nakasindi ang tail lights..

Sa ganitong situwasyon, makikita agad kayo ng mga sumusunod sa inyo o kaya ay mga sinusundan niyo.

Ang paggamit ng hazard lights sa malakas na pag-ulan ay magpapalito lamang sa mga sumusunod sa inyo dahil hindi nila matatantiya kung ang inyong direksiyon ay pakaliwa o pakanan.

Ang tamang paggamit sa hazard lights ay magpapalayo sa inyo sa aksidente at ang magiging impresyon pa ng mga ibang motorista ay beterano na kayo sa manibela.

Kuwentuhan po tayo sa FB, add po ninyo ako @Carlito Evangelista.
Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.