Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hazard pay ng mga PGH frontliner hanapan pondo – Recto

0 247

Nanawagan sa gobyerno si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na maghanap ng pondo para mabayaran ang hazard pay ng mga health worker ng Philippine General Hospital (PGH).

Ito’y matapos umapela ang mga manggagawa ng PGH para ibigay na ang kanilang P500 kada araw na hazard pay at Special Risk Allowance (SRA).

“Barya na nga lang ang hinihingi, hindi pa masuklian ang sakripisyo ng PGH,” sabi ni Recto.

Una nang inihayag ng mga manggawa ng PGH at mga miyembro ng All UP Workers Union-Manila na hindi pa nila natatanggap ang kanilang benepisyo sapol nang bumaba ang COVID-19 pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binatikos din ng grupo si PGH director Dr. Gerardo Legaspi at ang pamunuan ng ospital dahil sa wala kakayanang aksyonan ang kanilang apela.

Noong Lunes, sinabi ni Legaspi na sinulatan aniya ang Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng kanilang kahilingan at sinabing kunin na lang ang nasabing pondo sa savings ng ospital.

Subalit giit ni Legaspi wala nang available resources ang PGH.

Mahigit P49 milyon ang kakailanganin para sa hazard pay at SRA ng mga manggagawa ng PGH. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.