Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Hazard pay ng mga titser dadagdagan

0 54

Ipinangako ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na magkakaroon ng karagdagang hazard pay ang mga guro na nagtuturo sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Nilinaw ng kalihim na ang hazard pay ay hiwalay na benepisyo na makukuha ng mga piling guro. Makakatanggap umano ng P550 daily allowance ang mga guro na nasa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

“Dapat i-inform natin ang teachers na meron extra hazard pay in addition to, kung meron pang, kung nasa ECQ na lugar doon ka nagtuturo, meron pang additional COVID-19 hazard pay for teachers,” paliwanag ng Kalihim.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa allowance, makakatanggap pa ang mga guro ng ayuda sakaling dapuan sila ng COVID-19 kasunod ng anunsiyong ipatutupad na ang limitadong face-to-face classes sa Nobyembre 15.

Kabilang sa pilot run ng face-to-face classes ang 100 public school at 20 private school sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.