Abante Tonite Interactive

Headbutt kay McCarthy, trip lang ni Romeo

PASAWAY!

By
1,268

Ipinagkibit-Balikat lang ni Terrence Romeo ang sagutan at medyo pisikalan nilang enkuwentro ni Rashawn McCarthy ng Colubmian Dyip sa Smart Araneta Coliseum Linggo nang gabi.

Sa 118-114 overtime win ng TNT KaTropa na pumutol sa kanilang three-game losing skid sa PBA Governors Cup, makailang ulit na nagtitigan at nagpalitan ng salita sina Romeo at McCarthy.

“’Yung sa amin ni Rashawn, konting trash talk lang,” lahad ni Romeo, tumapos ng 22 points mula sa 8 of 17 shooting. “Siyempre close fight, ‘di mo maiwasan ‘yun. Nothing­ personal, kung ano nangyari sa court, stay lang sa court.”

Sa isang insidente, nang-head butt pa si Romeo at natawagan ng technical.

May 57 seconds sa extra period, nagula­ngan ni Romeo si McCarthy para kumana ng layup. Pagpasok ng basket, tinitigan pa niya si McCarthy na hindi rin nagpatinag.

Pareho lang daw silang nadala sa tindi ng laro.

“Gusto ko manalo, gusto rin niya manalo,” dagdag ng TNT guard. “Nagkakiskisan ng konti, siyempre pareho namin ‘di nagustuhan. Part lang ng game.”

Sina Romeo at Jayson Castro ang bumalikat sa Texters, may pinagsamang 8 for 15 sa 3-point area. Tumapos si Castro ng team-high 25 points.