Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Heading sasabak sa Taiwan

0 66

Balik sa kinalakihang bansa si Jordan Timothy Heading nang pumirma sa isang Taiwan basketball team.

Sasanib ang Fil-Aussie sa Taichung Suns ng T1 league.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bago pa maglaro sa Tate (California Baptist University), naging miyembro na ng high school basketball team sa Taichung ang 25-anyos na player kaya pamilyar na sa lugar.

Nakapaglaro rin si Heading sa Gilas Pilipinas kung saan nagmarka ng 6.5 points at 1.5 rebounds sa Asia Cup Qualifiers, at sa San Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

Kabilang din ang 6-foot-2 guard sa Special round na naging top pick ng TerraFirma para sa Gilas training pool sa 36th Philippine Basketball Association Draft 2021. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.