Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Health protocol paigtingin sa face-to-face classes – Tolentino

0 249

Suportado ni Senador Francis Tolentino ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang limitadong face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

“I support the decision of the President to allow limited face to face classes in COVID-free areas as this would maximize the limited resources of DepEd to implement their blended modules in other high risk areas,” sabi ni Tolentino.

Ginawa ng senador ang pahayag isang araw matapos nitong imungkahi na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Ito’y kasunod ng paglagda ni Duterte sa Republic Act No. 11480 na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan para i-reschedule ang pagbubukas ng klase sa buong bansa o bahagi ng bansa sa panahon ng kalamidad at emergency.

Sabi ni Tolentino, kinapos din aniya ang DepEd sa kanilang paghahanda para sa kanilang planong blended at distance learning modality para sa taong ito.

Bagama’t suportado ang desisyon ni Pangulong Duterte, kailangan aniyang paigtingin ang pagpapatupad ng health protocol sa face-to-face classess para maproteksiyonan ang mga mag-aaral at mga guro.

“This should be done though with the highest regard for health protocols to protect the pupils and the teachers,” ani Tolentino.

“Hand in hand with the recently approved RA 11480 which authorizes the President to defer the opening of classes even on a regional basis, the Chief Executive has now enough tools at his disposal to protect health of our students,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.