Abante Tonite Interactive

Health tips para sa magandang New Year

469

Tandaan na iisa ­lamang ang buhay ng tao kaya dapat natin itong pangalagaan at mahalin. Kasama ang mga mahal sa buhay, dapat na mag-enjoy. Buhayin ang buhay.

Maraming paraan upang mabuhay. Sa pamamagitan lamang ng tamang pagkilos at pag-iisip ay maayos mong ma­itataguyod ang iyong buhay. Buhay na mula sa Maykapal kaya dapat na ito ay pangala­gaan. Kaya naman, marami ang humihiling ng mahabang buhay kaya narito ang ilang tips na makatutulong nang malaki para mas humaba pa ang buhay at ma­ging masagana ngayong Bagong Taon.

Think positive – Isipin palagi ang tama at hindi mali. Huwag mawawalan ng pag-asa.

Mag-relax – Kaila­ngan naman nating ipa­hinga ang sarili bago sumabak sa isa pang gawain. ­Kailangang magbawas ng stress sa buhay.

Mag-ipon ng pera – Totoo ang kasabihang “kapag may isinuksok ay may madudukot”.

Magpatingin sa ma­galing na doktor – Kung may nararamdaman na sakit ay mabuting ipa­konsulta po agad sa ­doktor upang hindi na ito lumala at mainam din ito para mabigyan ng sapat na atensyon ang ­katawan.

Magpabakuna – Upang makaiwas lamang sa anumang sakit. Mainam na ang pina­ngungunahan ang pagdating ng sakit. May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangkaso, at iba pa.

Mag-ehersisyo – Mas maganda para sa katawan ang nag-iinat nang kaunti kaya mabuti para sa katawan ang exer­cise. Tiyak na hahaba ang buhay.

Tumulong sa ­kapwa – Nakabubuti rin po kung naibabahagi natin sa ­kapwa ang kaun­ting grasya dahil tiyak na sob­ra-sobra ang grasyang darating sa inyo.

Umiwas sa bisyo – Nauuso po ngayon ang mga bisyo na kadalasan ay naeengganyo ka ­lamang mula sa kaibi­gan. Umiwas po dito.

Umiwas sa alak – Hindi naman ito palagi at hindi rin po nakasasama sa katawan ang pag-inom ng alak. Basta hinay-hinay lamang o drink mode­rately. Masama ang alak kapag sobra dahil nakasisira ito sa ating ugat, utak at atay.

Kumain ng gulay at prutas – Mara­ming bita­mina at sustansyang taglay ang mga gulay at prutas kaya mainam po ito sa katawan.

Kumain ng matatabang isda – Ang pinakamasustansyang isda ay ‘yung mataas sa Omega-3 fish oil. Ito ay matatagpuan sa sardines, tuna, salmon at mackerel.

Magbawas ng timbang – Hindi naman kaila­ngang payat, basta ang mahalaga ay healthy.

Magdasal – Ito ang pinaka-importante sa ­lahat dahil mabuting may pananampalataya tayo sa Poong Lumikha. (Vick Aquino)