Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Health worker minarder ni mister

0 194

Patay ang isang 40-anyos na ginang matapos itong saksakin ng lasing na mister habang tatlong iba pa ang sugatan nang pagsasaksakin din ng suspek habang papatakas, Biyernes ng gabi sa Barangay Mo-boob, San Jorge, Samar.

Dead on arrival sa Gandara District Hospital dahil sa tinamong saksak sa dibdib si Jennifer Santiago, 40, health worker, habang kasalukuyan namang nagpapagaling sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) sa Tacloban City ang tatlong iba pa na sina Ricky Labong, 46, magsasaka; dalawang guro na sina Lolito Tamor Jr. at Jose Tayam Jr.

Patuloy naman ang manhunt operation sa suspek na si Liberato Cabubas, 51, asawa ni Jennifer, magsasaka, na agad tumakas matapos ang krimen.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ni Police Capt. Michael Ray Cañete, hepe ng San Jorge Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente Biyernes ng gabi nang umuwing lasing ang suspek sa kanilang bahay at sa hindi pa batid na kadahilanan ay sinaksak nito ang asawang si Jennifer sa dibdib saka mabilis na tumakas.

Bitbit ang gamit na patalim ay nakasalubong nito sa daan ang tatlong biktma na kanya ding pinagsasaksak.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang dahilan ng suspek sa pananaksak sa asawa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.