Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Health worker na tinurukan ng AstraZeneca, nadedo

0 377

Patuloy ang imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa lalawigan ng Cotabato matapos na masawi umano ang isang barangay health worker (BHW) na ginang tatlong araw makalipas na maturukan ito ng vaccine kontra sa nasabing nakamamatay na sakit sa bayan ng Matalam ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Emelie Clarito Calibayan Salimbag, BHW at residente ng Barangay Kibia Matalam, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato-IATF Spokesperson BM Philbert Malaluan, kabilang si Salimbag na naturukan ng COVID-19 vaccine na AstraZeneca at wala namang nakitang adverse reaction kaya pinayagan itong umuwi sa kanilang bahay at pinadalhan ng gamot.

Ayon naman sa anak na si Florelyn Salimbag, tatlong araw ang nakalipas nang mabakunahan ang kanyang ina ng COVID-19 vaccine ay binawian na ito ng buhay.

Kuwento pa ng anak na bago mamatay ang ina ay nakaramdam ito ng hypertension at pabago-bago ang kondisyon ng katawan at palagi umano itong nanghihina.

Nilinaw ni Salimbag na hindi nila sinisisi ang bakuna sa pagkamatay ng kanyang ina at tanggap na umano ng pamilya ang sinapit ng ginang ngunit humihingi sila ng tulong sa ngayon.

Nagpaabot na rin ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Matalam sa pamilya Salimbag. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.