Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Health worker naipit sa pinarusahang 5 DOH opisyal

0 95

Apektado umano ang pagbibigay ng serbisyo sa COVID-19 pandemic dahil sa ginawang pagsuspinde ng office of the Ombudsman sa limang opisyal ng Department of Health (DOH).

Sanhi nito, hiniling ng DOH na pabilisin ang pagresolba sa kaso ng lima nilang opisyal na pinatawan ng 6-buwang suspensyon dahil sa kabiguang mailabas umano ang benepisyo ng mga health workers.

Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kritikal ang papel na ginagampanan ng limang opisyal sa pagresponde sa pandemya.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na kasama sa mga sinuspinde ng Ombudsman sina Director Kenneth Ronquillo ng DOH Health Human Resource Development Bureau; DOH Assistant Secretary Maylene Beltran; Dr. Roger Tong-an ng DOH Administration and Financing Team; Dr. Laureano Cruz ng DOH Administration and Financing Team; at Administrative Officer Esperanza Carating.

“We are supporting these five officials, they have been with us for decades already. Nagbigay na ho sila ng sakripisyo, commitment at integrity-wise sila ay mapagkakatiwalaan,” ayon kay Vergeire.

“Lungkot na lungkot kami na this time of pandemic, nagkakaroon ng ganitong sitwasyon. In this time of pandemic, kailangan-kailangan ho namin ang mga tao namin and these people are playing critical roles in our response to this pandemic,” sambit pa nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.