Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Healthcare worker bida sa Labor Day

0 221

Kaugnay sa paggunita ng Araw ng Paggawa, panawagan ng isang mambabatas na maging sentro ng selebrasyon ang pagbibigay pagbabapahalaga at parangal sa mga healthcare worker.

“The healthcare service has long been noted to be an honorable profession, but in the light of this pandemic we should also highlight and underscore its value and importance,” ani Manila Rep. Manny Lopez.

Higit sa lahat, nais ng kongresista na siguruhing maibigay ang pangako at benepisyong nararapat para sa mga healthcare worker batay sa isinasaad ng batas na siyang natatanging maisusukli sa kanilang kabayanihan.

Una nang isinulong ni Lopez ang House Bill No. 9159 o Frontliners Recognition Act bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga healthcare worker.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, naghain rin ng Resolution No. 1704 ang kongresista upang paimbestigahan ang naantalang paglabas ng allowance at iba pang medical benefit na nararapat para mga healthcare worker.

“In the light of this recent surge of the virus, our healthcare services have been taxed beyond their limit. Honoring our commitments and providing benefits to them is the least we can do. And that is why we must ensure it,” ayon pa kay Lopez.

Dagdag pa ng Solon, “We call on all our government agencies and the private sector to follow through on these obligations. This is our moral duty.” (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.